-- Advertisements --

Ngayon pa lamang nagpaabot na nang pagkadismaya ang NBA superstar na si Kevin Durant dahil sa bagong patakaran ng mga organizers na walang papayagang makapanood sa mga games ng Tokyo Olympics.

Ayon kay Durant, maganda sanang pagkakakataon na maging bahagi rin ng kasaysayan at kasiyahan ang mga fans sa pambihirang Olimpiyada na tuwing apat lamang na taon ginaganap na ngayon ay inabot ng limang taon matapos na ipagpaliban noong nakaraang taon dahil sa krisis na dala ng COVID pandemic.

Nagpatikin na rin si Durant na desidido ang Team USA na ibulsa muli ang gold medal at iaalay nila ito sa NBA legend na si Kobe Bryant.

Samantala kabilang naman sa excited sa paglalaro sa Olympics ay ang All-Star Washington Wizards player na si Bradley Beal dahil makakasama niya sa national team ang All-Star forward na si Jayson Tatum ng Boston Celtics.

Bukas ay magsisimula na sa kanilang exhibition game ang Team USA laban sa national team ng Nigeria.

Ang unang laro ng mga NBA players sa Tokyo Olympics ay sa July 25 laban sa France.