Matapos ang nakakadismayang pagtatapos ng season ng Dallas Mavericks nitong nakalipas na season, umaasa si Dallas Superstar Luka Doncic na magkakaroon sila ng mas magandanbg chemistry ni NBA Champion Kyrie Irving.
Maalalang hindi nakapasok ang Dallas sa Playoffs nitong nakalipas na season at nalaglag din sa Play-in Tournament.
Ayon kay Dallas Superstar Luka Doncic, mas maraming pagkakataon na makakasama na niya ang dating Cavs Star ngayong season.
Dumating aniya si Irving sa naturang koponan sa kalagitnaan na ng 2022-2023 season at hindi naging madali ang paglalaro ng dalawa sa basketball court.
Ngayong taon, naniniwala si Doncic na magiging mas maganda ang kanilang chemistry dahil na rin sa mahabang training camp na kanilang pinagdaanan, kasama na ang nalalapit na preseason ng NBA.
Ayon sa Dallas superstar, mas maganda rin ang kombinasyon ng mga players ngayong taon sa ilalim ng naturang koponan, kayat kampante siyang magiging mas maganda ang performance ng Dallas ngayong season.
Kabilang sa mga players na kasama sa bagong lineup ng Dallas ngayong taon ay sina Grant Williams, Seth Curry, at ilan pang mga bagitong NBA players.