Muling gumawa ng kasaysayan si NBA superstar Stephen Curry bilang unang player na nakapagpasok ng 4,000 3-pointers.
Nagawa ito ng 3-point king sa panalo ng Golden State Warriors kontra Sacramento Kings ngayong araw(March 14), 130 – 104.
Sa pagpasok ni Curry sa naturang laban, dalawang 3-pointer na lamang ang kaniyang kailangan para maabot ang naturang record. Nagawa naman niyang magpasok ng 2 tres mula sa anim na pinakawalan sa kabuuan ng match.
Naipasok ni Curry ang ikalawang 3-pointer (27 footer) 4 mins sa matapos magsimula ang 3rd quarter sa pamamagitan ng assists ni Moses Moody.
Sa kasayayan ng NBA siya pa lamang ang nakakagawa ng 4,000 3-pointer habang ang sumusunod sa kaniya ay si mayroon lamang 3,127 three-pointers sa katauhan ni James Harden.
Nagawa ito ni Curry sa kabila ng pagkakalimita niya sa 11 points at limang assists sa loob ng 30 mins na paglalaro.
Walong player kasi ang nakapagpasok double-digit points sa panalo ng GS sa pangunguna ng forward na si Draymond Green na kumamada ng 23 point
Sa kabuuan ng laban ng dalawang team ay dominante ang performance ng GS hanggang sa mahabol ito ng Kings sa unang bahagi ng 3rd quarter.
Gayonpaman, tuluyan pa ring nakalayo ang GS sa huling quarter at ibinulsa ang 26-point win. Ito na ang ika-38 wapanalo ng GS ngayong season habang napanatili ang 28 loss. Hawak naman ng Kings ang kartadang 33 – 32.