-- Advertisements --

Muling lumabas ang offensive firepower ni NBA superstar Stephen Curry sa naging panalo ng Golden State Warriors kontra Oklahoma City Thunder ngayong araw, 127 – 116.

Gumawa ng 36 points ang 36 anyos na si Curry, kasama ang pitong assists at limang rebounds sa loob ng 36 mins na paglalaro.

Gumawa naman ng 19 points at sampung rebounds ang bagong guard ng GS na si De’Anthony Melton, habang 20 points ang ipinasok ni Jonathan Kuminga mula sa bench.

Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng OKC sa pangunguna ng All-Star na si Shai Gilgeous-Alexander.

Sa loob kasi ng unang tatlong quarter ay tinambakan ng GS ang OKC ng 28 big points at natapos ang third quarter sa score na 107 – 79.

Pinilit ng OKC na habulin ang halos 30 na kalamangan sa huling kwarter at nagawa nilang ibaba pa ito sa 5 points ilang minuto lamang bago matapos ang laban.

Gayonpaman, ibinabad na ng GS ang dalawang Warriors legend na sina Draymond Green at Stephen Curry upang pigilan ang tuluyang comeback attempt ng Thunder. Sa pagtatapos ng 4th quarter, nagawa ng OKC na magpasok ng 37 points habang 20 points lamang ang kasagutan ng Warriors.

Muli namang ginamit ng Warriors ang malalim nitong opensa at nagpasok ng 21 3-pointers sa kabuuan ng laban.

Sa panig ng OKC, sinamantala nila ang 26 fouls na itinawag laban sa GS na naging dahilan upang gawaran sila ng 26 free-throw attempts. 21 mula rito ang naipasok ng Thunder.