Nasupresa ang mga suporter ng Harris-Walz tandem sa huling araw ng Democratic National Convention matapos ang surprise video appearance ni NBA superstar Stephen Curry na nag-eendorso sa naturang tandem.
Ikinagulat ng marami ang surprise video appearance ni Curry sa kalagitnaan ng convention ngayong araw, at tuluyan niyang inendorso sina Kamala at Tim kasabay ng pagsasabing si Kamala ang magbabalik o kakatawan sa unity o pagkakaisa ng mga US citizen.
Inihalimbawa ni Steph ang pagkakaisa ng mga Olympians sa nakalipas na Paris Olympics sa tulong ng gabay nina Kamala at US Pres. Joe Biden, daan upang tuluyang maiuwi ang kampeonato laban sa iba pang mga bansa.
Ayon kay Steph, ito ang maaaring ialok ng Harris-Walz tandem sa mga mamamayan ng Amerika.
Una nang nagpahayag ng suporta si Golden State Warriors Steve Kerr sa tandem nina Kamala at Tim at personal na pumunta sa convention upang ikampanya ang naturang tandem.
Ayon kay Kerr, hawak ng dalawang kandidato ang natatanging leadership skills, katangian na dapat aniyang mangibabaw sa pagpili ng mga lider sa nalalapit na halalan.
Hindi rin napigilan ng batikang NBA coach na ipasok ang konsepto ng leadership sa sports sa pagpili ng mga susunod na lider ng US.
Ayon kay Kerr, kung ano ang nakita nilang commitment, pakikiisa at kasiyahan mula sa pamahalaan ng US sa nakalipas na Olympics, iyon din ang kinakatawan ng tandem nina Kamala at Walz.