-- Advertisements --
team usa lillard

Talo na naman ang national team ng Amerika na USA Basketball na binubuo ng mga NBA superstars.

Ito ay makaraang lumasap ng ikalawang talo sa loob lamang ng tatlong araw at sa pagkakataong ito ay kontra naman sa Australian team sa score na 91-83.

Nito lamang nakalipas na weekend ay pinahiya din ang USA ng Nigerian team na merong walong mga NBA players.

Sa laro kanina nagbago ng kanilang starting line-up ang US at inilagay sina Jerami Grant ng Detroit Pistons at si Draymond Green ng Warriors.

Sa pagtatapos ng first half abanse pa ang Team USA ng siyam na puntos dahil sa diskarte nina Damian Lillard ng Blazers at si Bradley Beal ng Wizards.

Sa 4th quarter ay muling umeksena si Lillard sa kanyang three point shots at si Kevin Durant.

Gayunman sa huli, nasilat pa rin ang Team USA ng Australia sa pangunguna ng mga NBA players din na sina Joe Ingles ng Utah Jazz, Patty Mills na nagmula naman sa San Antonio Spurs at ang Sixers guard na Matisse Thybulle.

team usa 3

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na nakatikim ng back-to-back losses ang Team USA mula nang payagan ng Olympics na maglaro rin ang mga professional players noong taong 1992.

Samantala bukas ang Team USA ay tatangkain namang magtala ng unang panalo sa exhibition game laban naman sa Argentina.

Ang pormal na paglalaro ng USA sa Tokyo Olympics ay sa July 25 pa.

Target nila na masungkit ang ikaapat na sunod na gold medal

Narito ang team members:
Bam Adebayo (Miami Heat)
Bradley Beal (Washington Wizards)
Devin Booker (Phoenix Suns)
Kevin Durant (Brooklyn Nets)
Jerami Grant (Detroit Pistons)
Draymond Green (Golden State Warriors)
Jrue Holiday (Milwaukee Bucks)
Zach LaVine (Chicago Bulls)
Damian Lillard (Portland Trail Blazers)
Kevin Love (Cleveland Cavaliers)
Khris Middleton (Milwaukee Bucks)
Jayson Tatum (Boston Celtics).

USA coaching staff:
Head coach – Gregg Popovich (San Antonio Spurs)

Asst. coaches – Steve Kerr (Golden State Warriors), Lloyd Pierce and Jay Wright (Villanova University)

Managing director – Jerry Colangelo