-- Advertisements --

Buhos pa rin ang mga pagbati sa bagong NBA world champions na Milwaukee Bucks.

Una nang nasungkit ng Bucks ang korona makalipas ang 50 taon nang itumba nila ang mahigpit na karibal sa Game 6 na Phoenix Suns.

Kabilang sa bumati sa Bucks ay si LeBron James ng Lakers, Stephen Curry ng Warriors kung saan pinuri rin nila ang bagong MVP na si Giannis.

Gayundin naman sina Draymond Green at Rudy Gobert ng Jazz na ayon sa kanila lalo umanong lumaki ang kanilang pagrespeto rito.

Ang NBA legend na Magic Johnson ay tinukoy naman na kabilang sa naging susi sa pagkampeon ng Bucks ay nagawang mabasa at matakasan ni Giannis ang inilatag na “wall defense” ng Suns na naunang sumira sa kanyang diskarte noong nagsisimula pa lamang ang playoffs.

Humirit naman si Johnson na sana mapunta sa Lakers si Chris Paul kung matapos na ang kontrata sa Suns.

Malapit daw kasing kaibigan ito ni LeBron at makakasama pa ang big man na si Anthony Davis na posibleng magbigay sa kanila na makabalik sa NBA championships.