Inabot din ng halos limang taon nang muling makatuntong ang isang NBA team sa White House matapos na imbitahan ni US President Joe Biden ang NBA world champions na Milwaukee Bucks.
Kanina dumating sa White House ang Bucks sa pangunguna ng kanilang team captain at two-time NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo.
Kung maaalala noong administrasyon ni dating US President Donald Trump ay nagkairingan pa ito sa NBA.
Pero ayon kay Biden, gusto niyang ibalik ang taunang tradisyon.
Espesyal namang binanggit ni Biden si Giannis dahil nagkampeon ito na ka-teammate pa ang kapatid, habang ang pamilya nito na immigrant mula sa Nigeria ay nagtungo ng bansang Greece para hanapin ang kapalaran.
Nagpugay din naman si Biden sa naging posisyon ng koponan sa ilang mga isyu sa Amerika tulad ng usapin sa racial injustices lalo na sa mga Black communities.
“At just 26 years old, you’re just getting started,” ani Biden. “What makes it even more special is you won the title with your brother, who is here today. And you join another brother already with a ring. What a hell of a family.
Liban sa US president, nagbigay din ng maiksing talumpati si Giannis.
Pagkatapos ng okasyon inamin ni Giannis na naging emosyunal siya sa tinuran ni Biden ukol sa kanyang pamilya.
“On behalf of my teammates, the coach staff, the Bucks organization, we are very grateful for this opportunity,” wika pa ni Antetokounmpo. “It’s an unbelievable opportunity to be able to be in the White House meeting the president of the United States. I could not be as honored and happy that something like this ever – ever comes – something like this in my life.”
Ang ibang players naman ay labis ang kagalakan at hindi makapaniwala sa malaking karangalan na sila ay maimbitahan sa White House.