-- Advertisements --
rudy gobert jazz
Utah Jazz center and All-Star Rudy Gobert

Tumitindi umano ang kalugian ng tinaguriang premiere basketball league sa buong mundo na NBA habang hindi nagbabalik ang mga games.

Inamin ni NBA Commissioner Adam Silver, hindi pa nila masukat kung gaano na kalaki ang economic impact pero halos oras-oras daw silang nagpupulong kung paano mababawi ang pinansiyal na pagkalugi.

Kung bibilangin mula nang ipatupad ang shutdown ng mga games hanggang ngayong araw, aabot na ito sa mahigit 100 games.

Sa April 15 sana magtatapos ang regular season ng NBA para sa 259 games na binubuo ng 30 mga teams.

Sa ngayon wala pa umanong kasiguraduhan kung lahat ng players ay masuswelduhan sa April 15 pero sa April 1 ay tuloy pa rin sa kanilang salaries ang mga ito.

Samantala, aminado naman si Silver na hindi na siya nagulat kung aabot na sa 14 na mga miyembro ng liga ang nagpositibo sa coronavirus kung saan 10 sa mga ito ay mga NBA superstars.

Kevin Durant
Kevin Durant/ Nets Twitter image

Ayon pa sa opisyal, inaasahan na nilang madadagdagan pa ang mga players na posibleng maging COVID positive lalo na at lumalala ang kaso sa Amerika na meron nang mahigit sa 42,000 ang mga kaso.

Kung maalala kabilang sa mga NBA players na COVID positive ay sina Marcus Smart ng Celtics, Utah Jazz center Rudy Gobert, teammate at All-Star guard Donovan Mitchell, superstar Kevin Durant ng Nets, dalawang Lakers players at iba pa.

“Unfortunately based on everything we know significantly more positive cases in our league were inevitable,” ani Silver.