-- Advertisements --

Pumanaw na ang NBA veteran na si Mitchell Wiggins sa edad na 64.

Si Wiggins ay ang ama ng NBA champion at Golden State Warriors forward Andrew Wiggins.

Siya ay na-draft bilang 23rd overall noong 1983 at pinili ng Indiana pacers. Kinalaunan ay na-trade din siya sa Chicago Bulls.

Matapos ang ilang season ay lumipat siya sa Houston Rockets hanggang sa nagkampeon ang naturang koponan sa Western Conference noong 1986. Huli siyang naglaro sa Philadelphia 76ers bago tuluyang nagretiro matapos ang ilang season sa liga.

Sa kaniyang rookie season, nag-average siya ng 12.4 points, 4.0 rebounds, at 2.3 assists.

Agad ding nagpa-abot ng pakikiramay ang National Basketball Retired Players Association, Houston Rockets at ilang mga retirado at kasalukuyang NBA player.