-- Advertisements --
Inanunsiyo ng NBA veteran na si Rudy Gay ang kaniyang pagreretiro.
Sinabi ng 38-anyos na manlalaro na nagkakaroon na ito ng problema sa kalusugan kaya nagpasyang tapusin ang kaniyang 17 NBA season.
Huling naglaro siya noong 2022-2023 sa Utah Jazz at pumirma ito sa Golden State Warriors sa off-season subalit ito nai-waive ng koponan.
Labis itong nagpasalamat sa mga nakasama niya sa mga laro.
Si Gay ay isa sa mga apat na manlalaro na may average na 10 o mahigit na puntos mula 2006-07 season at 2020-21 season kasama sina Carmelo Anthony, Chris Paul at LeBron James.
Matagal itong naglaro sa Memphis Grizzles at Sacramento Kings na may average na 15.8 points at 5.6 rebounds.
Naglaro din ito sa mga koponan ng Toronto Raptors at sa San Antonio Spurs.