-- Advertisements --
Spain FIBA

Pormal nang inanunsiyo ni Spain head coach Sergio Scariolo ang final 12 na siyang magdadala ng bandila ng kanilang bansa sa FIBA Basketball World Cup 2019 sa China.

Sinasabing nahirapan ang coach sa ipinatupad na cut bunsod nang pagkawala ng dalawa rin na magaling sa pool na sina Jaime Fernandez at Ilimane Diop.

Mangunguna sa kampanya ng Spain ang dating NBA champion mula sa Raptors na si Marc Gasol, 34, na sasabak sa kanyang ikaapat na World Cup.

Ang iba pang big names sa roster ay si Ricky Rubio ng Phoenix Suns, veteran Rudy Fernandez na dating bahagi noon ng Suns at ang Hernangomez brothers na sina Willy at Juancho.

Si Juancho ay mula sa Nuggets habang si Willy naman ay naglalaro sa Hornets.

Si Rubio ay lalaro sa kanyang ikatlong World Cup.

Ang Hernangomez brothers ay magsisilbing debut ang torneyo.

Bahagi rin ng national squad ang mga seasoned World Cup veterans na sina Victor Claver, Segio Llull at Fernandez.

Ang shooting guard na si Pau Ribas ay nagbabalik mula sa paglalaro sa Eurobasket 2015.

Kasama rin ang magsisilbing floor general na si Quino Colom na siyang nanguna sa Qualifiers game para sa Spain.

Magsisimula ang laro ng Spain sa World Cup campaign sa Guangzhou-based Group C sa First Round ng Group Phase.

Posible nilang makaharap ang Angola, Italy, Philippines at Serbia kung mag-qualify sa Second Round.