-- Advertisements --

Umani nang papuri mula sa maraming fans at mga basketball stars ang nakakabilib na performance ni Jimmy Butler upang dalhin ang Miami Heat sa ikalawang panalo laban sa karibal na Los Angeles Lakers.

Ang panalo ng Heat sa Game 5 ay pumigil sa sana’y agarang pagsungkit ng Lakers sa kampeonato makalipas ang isang dekada.

Hindi tuloy magkamayaw ang mga nanood nang makipagsabayan si Butler, 31, sa vintage performance ng 35-anyos na si LeBron James na may 40 points.

Nagtapos si Butler na may 35 points, 12 rebounds at 11 assists, kabilang na ang dalawang go-ahead free throws sa final minute sa tinagurian ngayon na instant classic.

Ang big game ni Butler ay nagbigay sa kanya ng ikalawang triple double ngayong Finals para mahanay tuloy siya sa iilang NBA greats.

Sa kabila ng panalo ng Miami, hindi pa rin kontento si Butler dahil hindi pa tapos ang misyon.

“This is the position that we’re in and we like it this way… and we’ve got two more to get.”

Narito pa ang ilang reaksiyon sa pamamagitan ng social media:

Tristan Thompson
This Bron vs Jimmy match up has been special to watch

Trae Young
This Bron & Jimmy Battle

Jordan Clarkson
jimmy going

Terrence Ross
This game is giving me terrible anxiety

Josh Hart
That was a good pass to a WIDE open 3 point shooter…if yall say otherwise yall shouldn’t be talking basketball

DWade
HEAT Sh*T

Meyers Leonard
D I F F E R E N T

Coach Nick Nurse
Jimmy was awesome

Bam Adebayo
That’s our max player and that’s who we go to in these moments