Bumida ang Filipino American na si Jordan Clarkson nang magtala ng 23 points kasama ang limang 3-pointers upang ibaon ng Utah Jazz sa ika-12 talo ang Atlanta Hawks, 112-91.
Para kay Clarkson naging susi sa kanilang panalo ang magandang diskarte nila sa depensa lalo na pagsapit ng second half.
Dahil naman sa panibagong panalo hawak na ngayon ng Jazz ang best winning record, 17-5.
Sinamantala ng Utah ang kawalan ng top player ng Hawks na si Trae Young na nagpahinga muna dahil sa bruised right calf.
Ito na ang ikatlong magkasunod na pagkatalo ng Hawks.
Malaking tulong naman sa Jazz ang ginawa nina Bojan Bogdanovic na tumipon ng 21 points, Donovan Mitchell na nag-ambag ng 18 at ang big man na si Rudy Gobert ay nagpakita ng 11 points at 12 rebounds.
Nabaliwala ang 17 points ni John Collins sa Atlanta para masadlak ang koponan sa 10-12 record.
Sa ngayon nangunguna ang Utah sa NBA na nag-a-average 16.9 three point shots bawat laro.
Ang kabuuang 355 na threes ng Jazz mula sa 21 na games ang pinakamarami sa kasaysayan ng liga.
Sa next game ng Jazz ay kontra sa Charlotte sa Sabado.
Ang Hawks naman ay sa Toronto ang laro sa Lunes.