Davao- Sinabi ni Atty. Arcelito Albao, NBI 11 Regional Director na hindi sila kasali sa SITG Bragas na binuo ng Davao City Police Office, ngnunit meron silang ginagawang parallel at independent invistigation sa nangyaring panghalay at pagpatay sa isang Arketikto.
Binigyan diin ng opisyal na lehitimo ang kanilang joint drug buybust operation kay Renato ‘Empoy’ Bayansao na una ng inireklamo ng asawa sa social media na may nangyari umanong iregularidad sa pagdakip ng mga nagpakilalang NBI.
Iginiit ni Albao na walang katotohan ang bentang ng maybahay ng suspek na pagtanim ng ebidensya dahil mayroon namang body worn camera at kasama pa ang opisyal ng baranggay, kasapi ng media at DOJ kaya malabo umano ang kanyang mga sinasabi.
Kung maalala, dinakip si alyas Empoy na isang tour guide sa Mt.Apo noong hating gabi ng Mayo 27 dahil sa iligal na droga sa isang joint operation ng NBI at PDEA sa kanyang bahay sa Calinan nitong lungsod at nakuhaan ito nga apat na pakete ng hininalang shabu, at isang .38 revolver.
Samantala sinabi naman ni Albao na sa ngayon mayroon na silang limang persons of interest at kabilang na dito si alyas Empoy. At sinabi nman ng opisyal na sa ngayon wala pa silang timeline sa nasabing kaso ngunit pinangako sa pamilya ng biktima na mabigyan ito ng hustisya.