CEBU CITY- Nagsimula na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) 7 sa ambush incident na ikinamatay ni Clarin Misamis Occidental Mayor David Navarro dito sa lungsod ng Cebu.
Ito’y kasunod ng pagterminate ni Presidente Rodrigo Duterte sa imbestigasyon na isinagawa ng Cebu PNP at itinurn-over niya sa NBI.
Sa panayam ng Bombo News Team kay NBI-7 assistant regional director Atty. Dominador Cimafranca na kahit wala pa silang natanggap na formal document galing sa presidente sisimulan na umano nila ang kanilang trabaho.
Magsisimula umano sila sa umpisa habang tinuturn-over ng PNP ang resulta ng kanila namang imbestigasyon.
Nilinaw naman ni Cimafranca na welcome pa rin pa rin para sa kanila ang isasagawang imbestigasyon ng ibang ahensya gaya ng Commission on Human Rights na una nang nagpahayag na nagsagawa na rin sila ng kanilang imbestigasyon.