-- Advertisements --

Handang ipasa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte.

May kaugnayan ito sa banta ng bise presidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni NBI director Jaime Santiago, na marapat na makadalo sa kanilang opisina ang bise presidente para malaman ang kaniyang panig.

Hindi aniya kagaya ng House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability na ipinagpaliban ang pagdinig nila sa paggastos nito sa confidential funds.

Una rin na sinabi ni Duterte na kaniyang ipaprioridad ang pagtungo sa imbestigasyon ng House of Representatives kaysa sa imbestigasyon ng NBI.