-- Advertisements --
pnp CHIEF ALBAYALDE
PNP chief Albayalde

Idinepensa ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang ikinasang operasyon ng kanilang Special Action Force (SAF) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Basilan.

Ayon kay Albayalde, walang ireguralidad sa operasyon sa bayan ng Mohammad Ajul sa nasabing lalawigan na ikinasawi ng dalawang dating miyembro ng Abu Sayyaf at umano’y miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa panayam kay Albayalde, sinabi nito na ang mga napatay na suspek ay sangkot sa mga terror attacks noon sa probinsiya at mayroong standing warrants of arrest.

Ang NBI aniya at hindi ang PNP, ang siyang humiling ng police assistance para sa operasyon.

Una nang nilinaw ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (WesMinCom) na hindi kasama ang militar sa operasyon.

Kinumpirma naman ni WesMinCom spokesman Major Arvin Encinas na ang tatlong napatay sa operasyon na sina Aljan Mande at Jamsid Mande ay kapwa military assets, habang ang isang Radjack ay MNLF leader na nakabase sa Barangay Candiis.

Aminado si Encinas na ang mga nasawi ang siyang tumutulong sa militar sa pakikipag-usap o negotiate para sumuko sa pamahalaan ang mga bandidong grupo.

Nakatakda namang magsampa ng reklamo sa Commission on Human Rights ang Mande family dahil nakaranas daw ng toruture sa mga operating elements ang kanilang kaanak sa pamamagitan ng paggamit ng kandila at binugbog pa.