-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagsumite na si National Bureau of Investigation(NBI) director Atty. Dante Gierran kay Department of Justice (DOJ) Secretary Atty. Menardo I. Guevarra ng advance copy ng autopsy report sa bangkay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende na nasawi sa Kuwait noong December 28, 2019.

Batay sa ginawang autopsy ni Dr. Ricardo M. Rodaje, Head Medico-Legal ng NBI, lumalabas na may malinaw na indikasyon na dumanas si Villavende ng sexual abuse bago namatay.

Lumalabas din na marami itong infected wounds at mga gumaling nang sugat sa likod.

Pero ang mas nakakagimbal na natuklasan ng NBI ay ang pagkawala ng ilan sa mga vital organs ni Jeanelyn tulad ng puso at tiyan kung saan ang naiwan na lamang ay ang atay, spleen, kidney at lungs nito.

Una rito, sa isinagawang initial autopsy sa Kuwait, iniulat na binawian ng buhay ang Pinay dahil sa “acute failure of heart and respiration” na resulta sa (sic) shock at multiple injuries sa vascular nervous system.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na duda siya sa kredibilidad ng Kuwaiti forensic doctors na nagpadala ng dalawang sentence lamang na report sa kanilang autopsy na nagsasabing namatay si Villavende dahil sa “physical injuries.”

Sa panayam naman kay Dr. Rodaje, ang final result ay ilalabas “as soon as possible” (asap) kung makokompleto na ang laboratory result.