-- Advertisements --

Bumuo ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) ng isang ‘Task Force Alice Guo’ sa pangunguna ni Office of the Dir. executive Assistant for Special Concerns Atty. Yentl Malicad para sa patuloy na pagiimbestiga ng kanilang ahensya sa mga ari-arian ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Malicad, layon ng task force na tutukan pa ang mga kasong maaari pang isampa kay Guo na may kaugnayan pa rin sa mga naging operasyon ng Zun Yuan at ng ilan pang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Tarlac.

Kabilang din sa iimbestighan ng task force ay ang pagbili ni Guo ng mga lupain gamit ang peke nitong Philippine citizenship.

Sa tulong naman ng binuong task force ng NBI, patuloy ang naging imbestigasyon ng ahensya sa mga isyung may kinalaman o kaugnayan sa POGO lalo na kay Guo nang maaksyunan agad ang mga ito.

Samantala, nakasuhan naman na si Guo ng dalawang kaso nitong Lunes na may kinalaman sa falsification dahil sa pagbili at pagbenta ni Guo ng lupa na matatagpuan sa Sual, Pangasinan at falsification of public documents dahil sa pagpapakilala ng kaniyang mga dokumento na siya ay lehitimong Pilipino.