-- Advertisements --
Video grab on YouTube

LEGAZPI CITY – Hinihintay na lang ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ibababang resolusyon sa isinampang reklamong inciting to sedition kontra sa website creator ng “Totoong Narcolist” na kinasasangkutan ni “Bikoy” at mga alegasyon laban sa first family kaugnay ng illegal drug trade.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, very cooperative naman umano si Rodel Jayme na positibo upang masundan ang tamang direksyon ng imbestigasyon.

Hawak na rin ng NBI ang laptop at phone ni Jayme na isinasailalim sa forensic examination.

Ayon kay Lorenzo, may pattern na umanong nakikita kung kanino nakikipag-communicate si Jayme na posibleng makakapagturo sa intensyon sa paggawa ng site.

Pagsasalarawan pa ni Lorenzo si Jayme na “knowlegeable” sa paggamit ng computers habang self-learned naman umano ang kaalaman nito sa paggawa ng website.

Inaalam na sa ngayon ang identity ng sinasabing nagpagawa ng website kay Jayme.