Nanawagan si Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy sa manghimasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga kaso ng hazing sa mga paaralan, kabilang na ang pagkamatay ni Philippine Military Academy cadet Darwin Dormitorio kamakailan.
Iginiit ni Herrera-Dy na hindi mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at pamilya ng mga ito hanggang sa hindi natatapos ang internal investigations na isinasagawa sa kanilang mga kaso.
Hinimok naman din ni Herrera-Dy ang CHEd na magtakda ng benchmark working deadline para sa lahat ng hazing investigations sa lahat ng higher education institutions.
“Enough days have passed since the latest wave of hazing incidents became public knowledge. I believe it will soon be time for the National Bureau of Investigation to assume jurisdiction over the hazing cases and the suspects,” ani Herrera-Dy.
Sa ngayon, sinabi ng kongresista na dapat nakapag-request o nakakuha na ng electronic data at cybercrime evidence ang CHEd, National Privacy Commission at Department of Justice mula sa mga social media accounts ng lahat ng mga taong sangkot sa hazing cases.
“We want the CHEd, University of the Philippines, student councils and DepEd to shine more disinfecting sunlight upon the fraternities because it is very apparent that whatever their current measures are, those measures have been ineffective,” dagdag pa nito.
Kanya naman ding pinaalalahanan ang Department of Interior and Local Government na sundin ang mandato nito sa ilalim ng bagong Anti-Hazing Law na pakilusin ang mga barangay laban sa community-based fraternities dahil nangyayari din ang hazing sa labas ng mga paaralan.