-- Advertisements --
Dinepensahan ng NBI ang mismong hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang mga law enforcement agencies na manguna sa crackdown laban sa mga KAPA offices sa buong bansa.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, walang katotohanan ang lumabas sa ilang social media Na kaya raw nagsumbong ang isang religious sect sa Pangulong Duterte ay bunsod nang kumpetensiya sa membership.
Paliwanag ng NBI merong intelligence report na natanggap ang Presidente na tunay nga na isang uri ng investment scam ang operasyon ng KAPA kaya dapat lamang ipasara ang mga ito.