-- Advertisements --

Ginawang regular ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang 94 job order (JO) personnel at pinromote ang iba pang 14 na permanenteng mga empleyado nito.

Ayon sa ahensya ang pagtatalaga sa kanila ay bilang pagkilala sa kanilang matagal nang paglilingkod.

Dagdag pa ni NBI Director Jaime Santiago, may mga nakatakda pang promotion sa susunod na linggo, kung saan walong head agents at 21 senior agents ang ipo-promote sa posisyon.

Binanggit pa ni Santiago na marami sa mga bagong regular na empleyado ay nasa serbisyo na ng 10 hanggang 15 taon, habang ang mga napromote naman ay nasa 25 hanggang 30 taon nang naglilingkod sa NBI.