-- Advertisements --

Pinagalaw na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang mga intelligence agents para tumulong na mahanap si Pharmally Pharmaceutical Corp. executive Krizle Grace Mago.

Ito ay matapos na magpasaklolo ang Senate blue ribbon sa NBI para mahanap si Mago.

Ayon sa NBI, tumutulong na sa paghahanap ang mga intelligence at regional service personnel.

Magugunitang mula ng sinabi ni Senate blue ribbon committee chair Richard Gordon na huling nakausap nito si Mago ay noong Setyembre 24 ng gabi at mula noon ay hindi na nito matawagan.

Kung maalala si Mago ay kinumpirma noong nakaraang linggo sa Senate hearing ang tampering sa expiration date ng mga supply na face shields.