-- Advertisements --
Nagpatupad na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng partial lockdown sa kanilang headquarters na nasa Taft Avenue, lungsod ng Maynila.
Ang hakbang ng NBI ay matapos may namatay umanong isang inmate dahil sa COVID-19.
Dahil dito, isasailalim na rin ng NBI sa swab tests ang iba pang mga nakakulong sa kanilang detention facility.
Una rito ang kalapit namang mga tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ay isinailaim din sa lockdown mula kahapon hanggang June 28, makaraang magpositibo rin sa coronavirus ang limang mga kawani.
Bago, ito ilang korte rin sa Manila City Hall ang ini-lockdown matapos dalawang court employees ang nahawa sa deadly virus.