-- Advertisements --

Hihingi na ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Internatioanal Criminal Police Organization (INTERPOL) para matukoy ang mga Pinoy na nagpapakalat ng fake news sa ibang bansa.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na mahalaga ang paghingi nila ng tulong sa Interpol para mapabilis ang pagtukoy sa mga dapat na kasuhan.

Mahirap kasing maipatupad ang batas ng bansa sa US citizens na inakusahan ng pagpapakalat ng fake news dahil sa maraming mga legal na sisteme na susundin.

Una ng sinabi ng NBI na mayroong hindi bababa sa 20 katao ang kanilang iniimbestigahan na sangkot sa pagpapakalat ng mga fake news sa bansa.