-- Advertisements --

Mag-iisyu ngayong araw ang National Bureau of Investigation (NBI) sa 10 hanggang 12 indibidwal na kasama sa late-night virtual press conference ni Vice Presidente Sara Duterte noong Nobiyembre 23 kung saan sinabi niyang may inatasan siya para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling siya ay mapatay.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, natukoy na nila ang mga nakibahagi sa naturang presscon at isa-isa aniyang tatanungin ang mga ito upang mabigyang linaw ang naturang usapin.

Nilinaw naman ng NBI chief na ang mga nagtanong lang sa naturang zoom meeting ang kanilang pina-subpoena.

Paliwanag pa ng opisyal na hindi nila kakasuhan ang naturang mga indibidwal.