-- Advertisements --

May malalim na ginagawang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga nagpapakalat ng fake news.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, na kanilang tinitignan dito kung may nagpopondo sa mga vloggers para magpakalat ng fake news.

Ang nasabing imbestigasyon ay matapos na maaresto nila ang isang vlogger sa Cebu na nagpakalat ng mga pekeng impormasyon.

Nakahanda na rin ang kaso laban sa hindi bababang 20 vloggers na nagpapakalat umano ng fake news.

Nais nilang ipakita na seryoso ang kanilang ahensya para malabanan ang nasabing pagkalat ng pekeng balita.