-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto sa tatlong indibidwal na di umano palihim na umaangkat ng Uranium at ilegal na binebenta sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang dalawang indibidwal na sina Mae Vergel Zagala alyas “Madam Mae” at Arnel Gimpaya Santiago sa entrapment operation sa Pasay, City noong Oktubre 18, 2024 at nakitaan sila ng nasa 20 kilogram na mga metals at 3 kilograms na black powder, lahat ng ito ay nag-positibo sa Uranium-235 at Uranium 238.

Ilang araw matapos silang mahuli ay naaresto naman si Roy Vistal, partner ni Zagala, sa Cagayan de Oro.

Kaugnay nito, nadiskubre rin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na ang lugar kung saan nahuli ang tatlo ay kontaminado ng Uranium powder kaya naman kasalukuyan ng nasa proseso ng decontamination ang lugar bago ito buksan muli para sa publiko.

Ang Uranium ay isang uri ng heavy metal na maaaring magamit sa paggawa ng mga bomba at panangga. Ngunit, may dulot na banta sa kalusugan ang sino mang ma-expose sa naturang uri ng metal.

Haharap ang tatlong naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 5207 o Atomic Energy and Liability Act of 1968.