-- Advertisements --
Inihahanda na ng National Bureau of Investigation ang kaso laban sa ilang indibidwal na nagbebenta ng mga nakumpiskang pekeng sigarilyo.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nagkasa ng entrapment operations ang kanilang opisina laban sa isang tauhan ng bodega sa Capas, Tarlac.
Ang nasabing bodega ay kinontrata ng Bureau of Customs, na magsusunog sa mga nakumpiskang iligal at pekeng sigarilyo na ipinuslit sa bansa.
Modus ng mga suspek ay imbes na sunugin ay ibinebenta pa nila ito on-line.
Tumambad sa kanila ang mahigit na 300,000 na mga pakete ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P270-milyon.
Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.