DAVAO CITY – Mismong ang mga personahe na ng National Bureau of Investigation (NBI) Davao region ang nangunguna ngayon sa pag-imbestiga sa mga sinasabing investment schemes sa Tagum kung saan karamihan sa mga ito ay nag-aalok ng mataas na porsyento.
Napag-alaman na ang NBI national office ay nagpadala ng memorandum sa NBI-Davao para magsagawa ng imbestigasyon.
Napag-alaman din mula sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) national office na nasa apat lamang na mga money investment schemes ang “legitimate†sa Tagum City mula sa 30 mga kompaniya.
Ngunit hindi muna pinangalanan ng ahensiya ang sinasabing mga “legit†na investment schemes lalo na at kabilang din ang mga ito sa mga pinaiimbestigahan.
Patuloy pa ang ginagawa nilang pag-verify sa mga papeles na kanilang ipinapakita.
Una nang tiniyak ni Tagum City Mayor Allan Rellon, na tutulong siya sa kautusan na inilabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) lalo na at una na rin na sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mananagot ang mga alkalde kung wala ito gagawin na hakbang laban sa mga investment schemes.