Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa madugong sagupaan sa Calbayog na ikinasawi ni Mayor Ronaldo Aquino at limang iba pa.
Ayon kay PNP Chief Gen Debold Sinas, nakahanda sila makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI pero itutuloy pa rin nila ang pag iimbestiga gayong mandato ito ng PNP.
Itinanggi ni Sinas na ambush ang nangyaring sagupaan, aniya hindi target ng PNP ang alkalde at hindi trabaho ng PNP na mag operate sa isang indibidwal na iligal.
Alegasyon kasi ng pamilya Aquino na may report na talagang i ooperate ang alkalde.
Giit ni Sinas lahat ng operasyon ng PNP ay legal dahil covered ang mga ito ng mga search warrants o warrant o arrest mula sa korte.
Aniya, napagkamalan ng grupo ni Mayor na masasamang loob ang mga operatiba dahilan na paputukan ang kanilang sasakyan.
Ang grupo ng IMEG at PDEU ay nagsasagawa nuon ng red teaming operation laban sa communist terrorist groups.
Sa panig ng PNP tatlong pulis ang patay kabilang ang team leader ang chief of police ng Gandara na si Capt Joselito Tabada at dalawang iba pa ang sugatan.
Ipinauubaya na rin ni Sinas sa mga imbestigador ang ulat na naka suot ng bonnet ang mga pulis at naka hood nuong nagkasagupaan.
Paglilinaw ni PNP chuef hindi naka bonnet ang mga operatiba.
Dinipensa naman ni Sinas ang hindi pagsusuot ng mga operatiba ng uniporme.
Aniya ang mga miyembro ng IMEG at PDEU ay pinapayagang di magsuot ng uniporme sa kanilang operasyon.
Ipinaliwanag naman ni Sinas ang ginawang pag iwan ng mga pulis sa mga casualties aniya nagkaroon ng sagupaan , ang unang gagawin ng PNP ay isecure ang kanilang posisyon bago isecure ang lugar dahil hindi alam kuny sino ang kalaban.
Apela ng PNP na hintayin ang resulta ng imbestigasyon para masagot ang mga tanong kaugnay sa madugong insidente.
Una ng sinabi sa Bombo Radyo ni PRO8 regional police director BGen. Rolando De Jesus na all accounted na ang lahat ng mga pulis na sangkot sa sagupaan.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng kani kanilang mga commanders pending sa ongoing investigation.
Pagtiyak naman ni Sinas na walang cover up at magiging patas ang imbestigasyon ng SITG Aquino.