Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatakdang ibahagi ng Philippine National Police (PNP) ang mga nakuha nilang ebidensiya sa National Bureau of Investigasyon (NBI) kaugnay sa Christine Dacera case.
Ayon kay Guevarra ang mga ebidensiya na nakuha ng PNP na kanilang ibibigay sa NBI ay ang specimen, garments at mobile phones.
Sinabi ng kalihim sa darating na linggo inaasahan ng makumpleto ng NBI ang kanilang imbestigasyon.
“I was informed that after receiving certain specified pieces of evidence from the police on Monday, the NBI will be in a position to wind up its investigation within the week, and submit its report to the DOJ for the consideration of the investigating prosecutor,” pahayag ng Justice secretary.
Nasawi si Dacera nuong December 31,20210 na nuon checked-in nuon sa Garden Hotel in Makati City kasama ang kaniyang mga kaibigan para ipagdiwang ang bagong taon.