Nakatakdang isapinal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kay Vice President Sara Duterte matapos ang pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcosd Jr.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na maaaring ipidala na nila sa Department of Justice ang imbestigasyon sa Enero 15.
Lahat ng mga ebidensiya at testimoniya na kanilang hawak ay kanilang tinimbang kung saan inatasan niya ang mga miyembro nito na maging mapanuring mabuti.
Mula pa noong Enero 2 ay sinimulan na nila ang pag-aaral ng mga ebidensiya at testimonya.
Aminado si Santiago na naging maingat sila dahil sa makakaapekto ito sa lagay ng pulitika ng bansa.
Magugunitang noong Nobyembre ng binantaan ni Duterte ang pangulo kasama sina firs lady Lisa Marcos at Speaker Martin Romualdez.