-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang authenticity ng video kung saan mayroong inutusan umano si Vice President Sara Duterte na ipapatay umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung sakaling ito ay mapatay.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, na inatasan sila ni Justice Secretary Jesus Remulla na beripikahin ang authenticity ng video.

Ang nasabing kautusan din ay matapos na ipag-utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Presidential Security Command na imbestigahan ang banta ni Duterte.

Dagdag pa ni Santiago, nakita ng kanilang NBI Cybercrime investigators na ang video ng bise presidente ay tunay at hindi deepfake o AI generated.

Nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon ukol dito.