Nakatakdang magsagawa ng full building inspection ang National Bureau of Investigation sa isang three-storey building sa Brgy. San Isidro in Makati City na sinalakay ng mga operatiba ng kanilang mga tauhan noong weekend.
Ang naturang building ay pinaniniwalaan ng ilegal clinic ng mga pasyenteng Chinese and Vietnamese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.
Sa isang pahayag, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago,sakop lamang ng kanilang search warrant ang ground floor ng gusali, na nakarehistro bilang botika.
Nang isagawa ang raid noong Sabado, sinabi ni Santiago na naroroon sa illegal clinic ang dalawang Chinese at dalawang Vietnamese na pasyente, gayundin ang pitong Filipino staff, kabilang ang dalawang doktor.
Paliwanag ni Santiago, hindi umano nakipag cooperate ang dalawang doktor sa mga ahente ng NBI.
Natagpuan din sa raid ang ilang Chinese medicine na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).
Naniniwala si Santiago na ang ilegal na clinic ay maaaring iugnay sa operasyon ng isang POGO site sa Calabarzon na binabantayan din ng NBI.