-- Advertisements --

Magsasagawa ang National Bureau of Investigation Region 6 ng parallel investigation kaugnay sa nangyaring shooting incident sa Barangay Villa Panian, Estancia, Iloilo kung saan patay ang tatlong businessmen na pawang residente ng lungsod ng Iloilo.

Ang mga biktima sa naturang krimen ay sina Chrysler Floyd Fernandez ng Jereos, La Paz; John Paul “JP” Mark Bosque ng Lopez Jaena Sur, La Paz; at Mark Clarence Libao ng Tacas, Jaro.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Jeremiah Sagrado, assistant regional director ng NBI Region 6, sinabi nito na mismo si Director Medardo ‘Ludgi’ De Lemus ang may utos na tulungan ang Philippine National Police o PNP na imbestigahan ang nasabing massacre.

Myerkules, Setyembre 14, nang mangyari ang krimen at tanging si Jevron Parohinog na business partner ng mga biktima ang naka-survive sa insidente.

Sa ngayon, isa si Parohinog sa person of interest at may counterchecking rin na isinasagawa sa statement nito na nakitaan ng inconsistencies.

Una nang sinabi ni Parojinog sa Estancia police na may P7.5 million in cash umano sa loob ng sasakyan na ibabayad sana ni Bosque sa utang nito sa nasabing bayan, bagay na taliwas naman sa pahayag ng pamilya ni Bosque na si Parohinog umano ang may utang sa kanyang business partners.

Sa ngayon, nasa P80,000 na ang reward money na naghinhintay sa makapagbigay ng impormasyon tungkol sa suspek.