-- Advertisements --

Hindi tumitigil ang National Bureau of Investigation (NBI) sa tuntunin ang mga nasa likod ng mga organized human traffcking.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na nitong mga nakaraang araw ay kanilang nabuwag ang isang organized human traffikcing group sa lungsod ng Pasay.

Sa nasabing operasyon ay naaresto ang 10 katao kabilang ang anim na Chinese nationals at kanilang nailigtas ang 27 na mga biktima.

Gumagamit umano ang mga suspek ng artificial intelligence, encryption tools at online apps para sa illegal na sex trade.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilang mga sex toys at mga sexual enhancers.

Pagtitiyak ni Santiago na hindi sila tumitigil para tuluyang mabuwag ang nasabing iligal na human trafficking.