-- Advertisements --
iloilo city

ILOILO CITY – Bukas ang Iloilo City Local Civil Registrar sa gaganaping imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) may kinalaman sa umano’y 180 na mga fake weddings na isinasagawa sa lungsod upang makakuha lamang ng marriage certificate.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Juncae Manikan, pinuno ng Local Civil Registrar, sinabi nito na pinuntahan siya ng dalawang NBI agents upang pagsabihan na mayroong gaganaping inquiry ngayong araw kung saan handa naman itong dumalo.

Aniya, pinadalhan din siya ng subpoena kasama ang mga kopya ng umano’y pekeng mga kasal.

Pahayag pa nito, wala siyang kaalam-alam kung sino ang nasa likod ng pagsisiwalat ng nasabing kontrobersiya.

Lumalabas na ang umano’y 180 na mga fake weddings ang ipinarehistro sa Local Civil Registrar.