-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nadagdagan na naman ang pyramiding scam na natukoy ang National Bureau of Investigation (NBI) na nag-o-operate sa Western Visayas.

Ito ay ang Alcoins Digital Marketing na pagmamay-ari ni Aljean Padua na may main office sa Caloocan City, Metro Manila.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Inday, on the job trainee sa pyramiding company, sinabi nito na umaabot na sa milyong piso ang kanyang na-invest kay Padua bago ito nagtago kasama ang kanyang business partner na kinilalang si Maicang Rasonable.

Sa ngayon, may patong na sa ulo si Padua na P150,000 na siyang reward money sa makakapagturo sa kanyang pinagtataguan.