-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Brgy Salapungan Brgy Captain Datu Masla Mantawil, ABC President Evangeline Pascua-Guzman, at si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr nagtungo ang mga ito sa massacre site sa provincial road malapit sa USM granary and machinery ng brgy poblacion Kabacan Cotabato.

Kasama din ng grupo ang mga nakasaksi sa insidente.

Matatandaan na siyam katao ang nasawi matapos na walang awang pinagbabaril gamit ang matataas na uri ng armas ng limang mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa bayan ng Kabacan noong Agosto 29 alas 12:10 ng tanghali.

Patuloy naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Guzman Jr sa tulong ng NBI, sa suporta ni PB Mantawil at sa paglapit ng mga witness upang mabigyang linaw ang insidente.

Sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon, muling hinimok ng alkalde ang publiko na magsalita kung may nalalaman sa insidente.