Muli na namang nakapagtala ang gobyerno ng Pilipinas ng panibagong kaso ng pang-eespiya o espionage.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang nakaraang pagkakaaresto sa umano’y Chinese national spy.
Ayon sa ahensya, sangkot sa panibagong kaso ng espionage ang limang Chinese nationals.
Kaugnay nito ay nakatakdang ipresenta ng NBI ang nasabing mga Chinese sa publiko .
Inaasahang dadaluhan ito nina Justice Secretary Boying Remulla, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, at maging ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado si Santiago.
Kamakailan lamang ay naaresto ng NBI katuwang ang AFP ang isang Chinese national na umano’y spy kasama ang dalawang Pilipino na sinasabing kasabwat nito.
Ayon sa AFP, nabisita na nito ang mga kritikal na lugar sa bansa kabilang na ang mga base ng Militar, Pantalan, Paliparan at maging ang mga EDCA sites.