-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pag-iikot ng mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa iba’t ibang bayan sa Isabela dahil sa natatanggap na intelligence report hinggil kandidatong bumibili ng boto para sa halalan sa Lunes, Mayo 13, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Tim Rehano ng NBI-Isabela, na isa umanong kandidato sa Reina Mercedes, Isabela ang namimili ng boto.

Namimigay umano ng sample ballots ang kandidatong ito na may kalakip na pera.

Kung mapatunayan daw nilang sangkot sa vote buying ang kandidatong ito ay kaagad nila itong huhulihin at kakasuhan.

Ayon kay Rejano, dapat maging matalino at mapanuri ang mga botante sa kanilang pagboto sa darating na halalan.