-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagpasalamat si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr matapos na madinig ang kanyang hiling na magsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI).

Mismong si Cotabato Governor Nancy Catamco ang personal na tumawag sa NBI-Central Mindanao upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Matatandaang hiniling ng alkalde ang temporaryong pag-relieve kay Kabacan Chief of Police PMaj. Peter Pinalgan Jr upang hindi ma-impluwensiyahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, nagkita sina BARMM Ministry on Labor and Employment Minister Romeo K Sema at si BARMM Ministry of Public Order and Safety Sinarimbo Sebangan sa isang barangay ng bayan upang magsagawa din ng kanilang sariling imbestigasyon.

Ayon kay Mayor Guzman, malugod na kanyang tinatanggap ang pagpunta ng dalawa sa bayan upang magsagawa din ng kanilang sariling imbestigasyon.

Sa ngayon lahat ng anggulo ay tinutukan ng NBI at Special Investigation Task Force sa kanilang imbestigasyon sa brutal na pagpatay sa siyam katao sa bayan ng Kabacan.