Binalaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tao o grupong nagkakanlong kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy, na wanted ngayon sa batas ng Pilipinas at Estados Unidos.
Matatandaang inisyuhan ng warrant of arrest si Quiboloy sa America dahil sa conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion at sex trafficking of children; sex trafficking by force, ganun din ang fraud and coercion; conspiracy; at cash smuggling.
Habang sa Pilipinas ay mga kaso rin ng pag-abuso sa mga dati nitong miyembrong babae at iba pa.
At sa hiwalay na rason, ipina-cite in contempt din ng Senado ang nagpapakilalang son of god matapos na ilang ulit na hindi sumipot sa pagdinig ukol sa mga alegasyong exploitation, sexual at child abuse.
Maging ang Kamara ay hinahanap din si Quiboloy dahil sa usapin ng prangkisa ng kaniyang TV network.
Para sa liderato ng NBI, ang anumang pagtatangkang itago si Quiboloy ay may kaparusahan sa batas, dahil korte na ang may kautusan na arestuhin ito at iharap sa hukuman.