Sinimulan na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon laban sa Apat na miyembro ng Cagayan police na umano’y sangkot sa large-scale paluwagan scam sa naturang lugar.
Isinagawa ang imbestigasyon matapos ang natanggap na higit 150 na reklamo ng Cagayan Philippine National Police at NBI na aabot sa 200 reklamo na may kinalaman sa Ponzi scheme o pyramid scheme na kinasasangkutan ng apat na tauhan ng Cagayan police .
Ayon kay PCOL. Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan PNP, ang mga akusado ay nag re recruit ng maraming mabibiktima.
Patuloy rin aniya na inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pera na nakulimbat ng mga suspect.
Kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon. inilagay muna ang apat na pulis sa ilalim ng restricted status.