-- Advertisements --

May ginagawang paglilinis sa kanilang hanay si National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago.

Sinabi nito na may ilang mga ahente ng kanilang special task force ang natuklasang sangkot sa ilang mga iligal na aktibidad.

Kaniya na rin umano nasampahan ang mga nasasangkot sa iligal na aktibidad.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo ukol sa mga pagkakasangkot ng ilang mga tauhan niya.