
Itinakda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang initial hearing sa alegasyon ng fraud at large scale estafa na inihain laban sa aktor na si Luis Manzano at mga opisyal ng fuel company nito.
Ayon sa National Bureau of Investigation, itinakda ang pagdinig sa Pebrero 20.
Sa ngayon nasa 50 indibidwal ang naghain ng mga hiwalay na reklamo laban kay Manzano at ang kumpanya nito sa National Bureau of Investigation.
Una nang pinadalhan ng subpoena ang aktor noong nakaraang linggo para personal na dumalo sa pagdinig at masagot nito ang mga alegasyon laban sa kanya.
Pero noong Lunes nang hilingin ng kampo ni Manzano na bigyan sila ng extensiyon sa ipinadalang summon.
Kung maalala, naghain ang mga investors ng reklamo para mabawi ang kanilang mga investment sa fuel company na nagkakahalaga ng milyong piso.
Si Manzano ang sinasabing chairman of the board ng kumpanya pero sinabi ng aktor na base sa affidavit nitong may persang Disyembre 21, 2022 na nag-resign ito sa kanyang posisyon at tinanggal na nito ang kanyang interest sa kumpanya noong Pebrero noong nakaraang taon.
Sinabi rin nitong nagpasaklolo raw ito sa NBI noong nakaraang taon matapos hindi maresolba ang hirit ng ilang investors.
Sa sulat na naka-address kay NBI Director Medardo De Lemos na may petsang November 8, 2022, nilinaw ni Manzano na niresolba na nito ang pag-divest ng kanyang interest at nag-resign ito bilang chairman of the board ng ilang korporasyon.
Nilinaw din nitong ginawa lamang siyang chairman of the board ng kumpanya dahil ito raw ito sa mga guarantees para sa kanyang investment.
Sinabi rin nitong hindi siya direktang involve sa pagpapatakto ng kumpanya.
Dagdag ni Manzano, hanggang sa ngayon daw ay may mga tao pa ring lumalapit sa kanya para magpatuloy kaugnay ng kanilang investment sa naturang kumpanya.