-- Advertisements --

Kinilala ng Department of Information and Communications Technology ang National Bureau of Investigation matapos ang matagumpay na pagkakaaresto ng mga tauhan nito sa tatlong indibidwal na umano’y sangkot sa serye ng panghahack sa mga website ng gobyerno sa mga nakalipas na buwan at taon.

Maliban sa websites ay na access din nito ang sistema ng ilang bangko, private sector, maging ang mga facebook accounts.

Ayon sa ahensya, anumang oras ay nakahanda silang magbigay ng asistencia sa NBI at tumayo bilang technical consultant .

Magbibigay rin ito ng mga mahahalagang impormasyon ng sa gayon ay makatulong sa pagpapalakas ng kaso laban sa nahuling mga suspect.

Ibinunyag rin ng DICT na sila man ay parte ng National Cybersecurity Interagency Committee na kung saan may mandatong magbigay ng intelligence at technical information sa mga kaso.

Siniguro rin ng ahensya na sila ay makikipag-cooperate  sa mga pangunahing enforcement agency sa paghuli sa iba bang cybercriminal.